Una sa Balita

Delicadeza

By
0 474

Burado na sa diksyunaryong Pilipino ang salitang ‘delicadeza’.

Sa kabila ng kapalpa­kan sa serbisyo at kawalan naman ng aksyon ng kinauukulan, walang may gustong magbitiw sa puwesto.

Kung sa bansang Japan nangyari ito, hindi aabutin ng isang linggo, aalis sa puwesto ang sinumang responsable dahil sa sobrang kahihiyan. May iba pang sitwasyon, umaabot ito sa harakiri o honorable suicide.

Dito sa Pilipinas, pakapalan ng apog at mukha. Perwisyo na sa bayan, sila pa raw ang kawawa. Ang nakakalungkot, ‘di pa kuwalipikado sa kanilang puwesto ang mga hinayupak

Balitawit:
Mahirap magmahal ng syota ng iba
(Apo Hiking Society)

Mahirap talagang maglagay ng syonga talaga !!!
Hindi makadiskarte ‘pag problema’y luma­la!
Mahirap oh mahirap talaga
Maghanap na lang kaya ng iba
Ngunit kapag nakita mo nakakaawa..
Hindi makasagot, nakakadismaya..
Sige lang sugod lang o bahala na
Bahala na kung magkabistuhan pa

BRIDGE:
I-dial mo ang number sa telepono…
Isumbong mong mga problema sa inyo…
‘Pag nakausap mo siya sasabihin sa’yo
Tumawag ka mamaya naso-syonga ako..
Mahirap talaga kung dahil sa politika.
Oh sakit ng ulo maniwala ka
Ngunit kahit ano pang sabihin nila
Iwanan niya’y hindi magagawa
Mahirap talaga kung syonga talaga..
Ang mga problema palala ng palala..
Mahirap oh mahirap talaga
Maghanap na lang kaya ng iba
Humanap! Maghanap na ng iba
Oh sakit ng ulo maniwala ka
Ngunit kahit ano pang sabihin nila
Iwanan niya’y di niya magagawa
Iwanan niya’y di niya magagawa
Iwanan niya’y di niya magagawa

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy