Una sa Balita

Delegasyon sa China trip isasapinal ng Palasyo

0 233

ISINASAPINAL na ng Malacañang ang listahan­ ng mga opisyal­ na makakasama ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang working vi­sit sa China sa katapusan ng buwan.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na bahagi ito ng protocol ng bibisitahing bansa kaya hinihingi na ng Chinese government ang magiging delegasyon ng Pangulo.

Ito ang ika-limang pagbisita ni Pangulog Duterte sa China at marami ang nag-aabang sa magiging sagot ng China sa gagawing paggigiit ng Presidente sa arbitral ruling sa West Philippine Sea.

“Kinukuha na yung mga pangalan ng mga delegado na sasama. Alam mo naman, lahat ay dumadaan sa protocol kung sino iyong mga sasama sa China.,” ani Andanar.

Wala pa aniyang ipinapalabas na itenirary ang Malacañang sa mga lugar at mga magiging­ aktibidad ng Presidente.

Sinabi pa ng kalihim na magiging “wait and see” kung ano ang magiging reaksiyon ng China sa gagawing paggigiit ng Presidente sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“Tingnan natin at obserbahan natin pagda­ting natin doon kung ano ang magiging reaction ng China,” dagdag pa ni Andanar.

Maagap namang sina­got ni Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang plano ng Pangulo na ani­ya ay hindi kikilalanin ng kanilang gobyerno ang arbitral ruling. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy