Una sa Balita

“Delaying Tactics” paraan ng mandaraya

By
0 1,060

MAGINOONG laban ang sabong, subalit may mga sabungerong nandadaya mapa-derby o hackfight.

Maraming magugulang sa hackfights, natural lang ang mga ito dahil gusto nilang makalamang sa ulutan, kanya-kanyang diskarte upang lumaban ang inyong kaulutan.

Hindi masasabing pandaraya ang pagiging magulang sa ulutan dahil puwede ka naman tumanggi, (inuulutan) kung hindi kursunada.

Abante Hiring – IT dep

Subalit ang istilo ng “Delaying Tactics” ay pandaraya, madalas ito sa derby, sisirain nila ang diskarte ng handler at pointing ng manok sa oras ng laban.

At ayon sa mga beteranong mananabong, huwag bale-walain ang ganitong taktika, kapag na-delay ang laban ay maaaring magbabago ang galaw ng mga panlaban na manok dahil maaari silang mag Gut Empty.

Ang delaying tactics ay tulad ng matagal na pagkasa at pagtatari.

Kaya kapag dumayo ka ng derby kailangan maging mautak at palaging handa sa anumang pandarayang mangyayari.