Una sa Balita

Dela Vega cutman ni Pacquiao

By
0 1,835

TINAPIK ni eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang Los ­Angeles-based orthodontist na si Ed Dela Vega na dagdag sa kanyang team bilang cutman sa darating nitong laban kontra ­Argentinean WBA welterweight ruler Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Dela Vega rin ang nagbigay ng customized mouthguard kay Pacquiao sa loob ng halos 13 taon at ito ang unang beses na mag-iiba siya ng linya bilang cutman.

Maging ang mga boxer ng ALA ­Boxing Club sa Cebu ay matagal niya nang ­customer kabilang ang world champion na si Jerwin Ancajas.

Sa susunod na buwan ay makikita na si Dela Vega sa mga ensayo at pagsasanay ni Pacquiao.

Papalitan ni Dela Vega ang top ­Argentinean cornerman na si Miguel Diaz na nagsilbi din bilang cutman kay ­Pacquiao.