Una sa Balita

Dela Rosa kumambiyo sa ‘cute comment’ kay Robredo

0 656

NILINAW kahapon ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang kanyang naunang pahayag na hindi dapat magpa-cute si Vice President Leni Robredo ngayong siya na ang mamumuno sa war on drugs ng administrasyon.

“Hindi ko man sinabi na nagpapa-cute siya, she’s basically cute. Cute lang siya akin,” pahayag ni Dela Rosa panayam sa ABS-CBN News Channel kahapon.

Ngayon si Robredo na umano ang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, dapat umanong tanggapin nito ang realidad na nakikipagdigmaan siya kontra iligal na droga.

“Giyera ito, reality ito. I’ve been there. I’ve done that and I’ve suffered enough in this war,” sabi ni Dela Rosa.

“Hindi lang ako, kung hindi pamilya ko, mga tauhan ko. Ang dami kong tao namatay 120 policemen namatay and more than 800 ang wounded sa war on drugs.”

“So anong masasabi ko? We have to deal with rea­lity. This is reality, hindi ito fantasy film kundi action movie ito,” saad pa ng dating Philippine National Police chief. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy