Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Del Rosario swak sa finals

0 68

PINANGUNAHAN ni Pauline Beatriz Del Rosario ang dalawa sa apat na pambato ng ‘Pinas na nakatiyak ng finals slot sa itinigil dahil sa ulan na 42nd Epson Tour 2022 Leg 7 $200K 10th IOA Golf Classic sa Alaqua Country Club sa Longwood, California Sabado (Linggo sa Maynila).

Tumirada ng one-over par 72 si Del Rosario para sa provisional joint 21st sa 36-hole total four under 138, pitong palo ang layo kina col-leader Australian Grace Kim (65) at Korean Kum-Kang Park (66) na may 131.

Safe na rin sa last round si Clarissmon ‘Claris’ Guce na naka-69-135 upang saluhan sa pang-10 pansamantala si American Marissa Steen na nag-67.

Nakabitin pa ang mga tropa sa ICTSI ni Del Rosario na sina Dottie Ardina sa 71-141 sa pag-upo sa 10-way tie sa 55th place, isang palo lang ang layo sa projected cut line, at Abegail ‘Abby’ Arevalo na may six-under tapos ng four holes palang at maka-71 sa opening round.

Ang torneo ang pampainit ni Ardina bago sumabak sa susunod na buwang 77th US Women’s Open. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.