Una sa Balita

Del Rosario sosyo sa lead

By
0 8

Sumalo pa rin sa tuktok si Pauline del Rosario sa pinagulong na da­lawang bogey sa No. 17 at ilista ang 73 matapo­s ang second round ng ICTSI Riviera Ladie­s Championship sa Riviera’­s Langer course sa Silang, Cavite.

Nagtala si Del Rosario ng birdie sa No. 16 tungo sa two-stroke edge kay first-round leader ­Saruttaya Ngam-usawan, pero umalog ang Pinay sa par-3 155-yard 17th kaya hindi nakuha ang solo top.

Nakisali si amateur Abby Arevalo sa championship group, isang stroke na hinahabol sa mga nasa unahan.

“Despite that double-­bogey on 17th, I’m happ­y to be sharing the lead,” saad ni Del Rosario na puntirya ang third straight championship matapos kalawitin ang korona sa Orchard at Baguio legs. “The rain hardly affected our game but the wind, which made club selection a lot more difficult,” 

Nagwagi si Ngam-usawan sa Royal Northwoods.

Pumalo si Chatprap­a Siriprakob ng Thailand ng subpar sa round of 70 tungo sa dalawang birdies­.

Kinana ni Tiranan Yoopan ang pangalawang sunod na 74 para lumanding sa fifth (148).

Medyo nangangap­a pa si reigning Philippine Ladies Open champion Bianca Pagdanga­nan, may 76 sa joint sixth kasama si Thai Sarinee Thitiratanakorn.

Nakabawi naman si Kristine Torralba mula sa masamang umpisa para manatili pa sa P750,000 event na inisponsoran ng ICTSI.