Una sa Balita

Del Rosario kumalas

By
0 7

Pumalo si Pauline del Rosario ng dalawang sunod na 68 para pahabain ang abante sa three strokes kahapon matapos ang dalawang rounds ng ICTSI Pradera Verde Ladies Classic sa Lubao, Pampanga.

“I have a problem with my club selection, some of my approach shots were over the target,” pakli ni Del Rosario.

Puntirya ni Del Rosario ang pangatlong korona sa ICTSI Ladies Philippine Golf Tour.

“I’ll still go for the greens tomorrow but I’ll try to be more careful with my (club) selection,” dagdag ni Del Rosario na nagwagi sa  Orchard at Baguio tournaments.

Sa final round ay makakaharap niya na si dating US Girls Junior champion Princess Superal na bumira ng limang sunod na birdies kasama ang pitch-in sa No. 16 tungo sa 67.

Laglag sa third si Tiranan Yoopan ng Thailand matapos tumikada ng 70, apat na shots ang hinahabol sa top.