Una sa Balita

Del Monte-Campos nagsara ng planta sa US

0 252

MAGSASARA at magbebenta ng mga planta sa Estados Unidos ang Del Monte Pacific Ltd. ng mga Campos.

“This decision has been difficult and has come after careful consideration,” sabi ni Del Monte Pacific managing director and CEO Joselito Campos Jr.

Sabi ng Del Monte, isasara nito ang planta nito sa Sleepy Eye sa Minnesota at sa Mendota sa Illinois. Tatapusin lang muna ang kasalukuyang produksyon at isasara na ang mga ito sa oras na matapos na maimpake ang mga produkto.
Ibebenta rin ng Del Monte ang planta nito sa Cambria sa Wisconsin kapag naimpake na rin ang kasalukuyang produksyon at ibebenta na rin ang planta nito sa Crystal City sa Texas.

Ayon sa Del Monte, sasaluhin ng iba nitong mga planta sa Estados Unidos ang produksyon na dati’y inaasa sa mga plantang ito.

“These facility closures offer Del Monte the abi­lity to fully utilize the capacity of its existing production facilities and increase its focus on branded growth and innovation,” sabi ng Del Monte.

Sa pagbebenta at pagsasara ng mga planta, mababawasan ang gastos ng Del Monte at magi­ging mas masinop ang operations, dagdag nito. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy