Una sa Balita

Deklara ni LeBron: Ako ang G.O.A.T.!

By
0 602

BILIB si LeBron James kay LeBron James. Para kay James, siya ang greatest player of all time.

Kaya may nanalo na, tapos na ang debate kung sino kina Michael Jordan at LeBron ang GOAT.

‘Yun ay kung si James lang naman ang tatanungin.

Pero sa bibig mismo ni LeBron galing, siya ang GOAT.

Dineklara ni James ang kanyang desisyon: Si LeBron ang greatest of all time.

Patunay daw rito ang panalo niya sa Golden State Warriors noong 2016 NBA Finals habang nasa Cleveland ­Cavaliers pa.

“That one night there made me the greatest player of all time,” deklarasyon ni James sa kanyang More Than An Athlete miniseries. “That’s what I felt. I was super, super ecstatic to win one for Cleveland because of the 52-year drought.”

‘Yun pala ang sukatan niya. Nabigyan ng titulo ang Cleveland matapos ang higit limang dekadang pagkatigang sa korona sa alinmang major sport sa US. Naiyak nga raw siya noon.

“That day, the first wave of emotion was, everyone saw me crying, that was all for 52 years of everything sports that have gone on in Cleveland,” dagdag ni James.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy