Una sa Balita

Dehadista kumubra kay Gensan Special

0 227

GINULAT ng dehadong Gensan­ Special ang liyamadong Wessfacckol at Dalagang Bukid upang angkinin ang Condition Race Category 20 na pinasibat sa pangalawang karera Sabado ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nagtagisan ng bilis sa rektahan sina Wessfacckol at Dalagang Bukid, may 150 metro pa bago ang meta nang biglang sumulpot mula sa labas ang far third choice Gensan Special na nirendahan ni class C rider AM Tancioco para sikwatin ang panalo.

“Nakita ko sa Backstrech nag-uubusan na sila sa unahan kaya nag-abang lang ako, pinanood ko lang sila tapos sa far turn ay gumalaw na kami,” kuwento ni Tancioco.

Kumuha muna ng unahan si Boston Strong sa largahan pero kumapit agad sina Wessfacckol at Dalagang Bukid.

Sa huling kurbada nasa unahan na si Wessfacckol at Dalagang Bukid habang tersero na ang winning horse.

Nanaig si Gensan Special ng dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong Sharp Return, tersero si Wessfacckol habang pang-apat si Dalagang Bukid.
Nirehistro ni Gensan Special ang 1:21.2 minuto sa 1,300 meter race. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy