Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Defensor walang naamoy na kudeta

0 231

NILINAW ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na walang anumang kudeta ngayon sa Kamara, sabay pakiusap sa mga kapwa mambabatas na unahin ang mga kailangang batas kaysa pamumulitika.

“Wala namang nangyayaring ganyan sa Kongreso ngayon,”sabi ni Defensor, sabay dagdag na may nababasa siyang mga istorya na ganun.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Defensor, posibleng sumama lang loob ng mga nawalang mga komite kayat lumulutang ang mga nasabing usapin, pero ang malinaw ay hanggang tsismis lang umano iyun dahil lahat sila ay nagkakaisa ngayon na isulong ang mga kailangang a batas lalo na at may kinahaharap pa na pandemya ang bansa.

Inamin din niya na nagkaroon ng mga konsultasyon sa mga liderato sa Kamara pero hindi ito loyalty support, kundi paglilinaw lang sa direksyon na tatahakin ng Kamara sa ilalim ni House Speaker Lord Alan Velasco.

“I hope wala nang anumang gulo, Wala na sanang away o tampuhan at trabaho lang ang gawin ang bawat delay apektado ang bayan. Kailangan na magtrabaho muna. Kapag nagkakaproblema kailangan proteksyunan hindi ang pansariling interes, kungdi ang buong instutusyon ng Kongreso,” sinabi nito.(Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.