Una sa Balita

Defense Minister Noon, chief tactician ngayon

0 948

KOREK, buwena manong pasada sa ating bagong segment sa print ng Abante Sabado na may titulong Alamat Atletiko ang matutunghayan ng ating mga masusugid na reader.

Laman nito ang mga natatanging atletang nagpayanig ng husay at talento sa larangan ng palakasan noong kanilang kapanahunan na dumaloy at nagpaantig sa puso ng mga Pinoy.

Isa lang sa mga umukit sa isipan at kamalayan ng bawat Pinoy noong dekada ‘80, ‘90 hanggang sa pagpasok ng milenyo (2000) itong si Jerry Codiñera, na ipinagmamalaking isa siyang tubong Magdiwang, Romblon at kababayan ni dating Asia’s long jump queen Elma Muros.