Una sa Balita

Bolick, Perez nakakabilib

0 296

Sa maikling pocket tournament na sinalihan ng Gilas, napaka-impressive ng nilalaro ng mga bagong pasok na sina CJ Perez, Robert Bolick at Roger Pogoy.

Good problem ito para kay Coach Yeng Guiao dahil lalalim naman ang bunot niya. Sa mga hindi masyadong pamilyar kay Coach Yeng, kailangan kapag ginamit ka niya sa laro, dapat ready ka parati.

***
Mga susi para talunin ng Talk ‘N Text ang napakalakas na San Miguel Beermen.

Kailangan maka-adjust sa tawagan ang TNT. Ibig sabihin, dapat mahaba pasensiya mo sa laro. ‘Ika nga, expect a ‘no harm no foul’ atmosphere.
Hindi dapat pumatol sa mga trash talking at flopping ng SMB. Pagdating sa inconsistencies ng mga referees, focus lang hanggang matapos (should play above the officiating).

Kailangan ng consistent solid performance nila Troy Rosario, Pogoy at Don Trollano at walang humpay na suporta kina Kelly Williams, Jayson Castro, Harvey Carey, Ryan Reyes at ang super import na si Terrence Jones.

Itong serye ay mukhang mahaba. Baka abutin ng Game 7 kaya dapat, mahaba ang rotation o malalim ang bench in case, baka dikitan ang laban at least may firepower hanggang dulo ang TNT.

Atakehin sa loob si ‘The Kraken’ June Mar Fajardo para makapag-isip din siya na may problema siya sa depensa.

At siyempre kailangang manatili na gutom sa laro ang TNT para magbigay ng ener­gy sa kanila sa seryeng ito.

Pagdating naman sa koponan ng SMB, alam na nila ang formula sa pagiging champion sa tinagal ng panahon. Matitibay ang loob ng mga player tulad nina Alex Cabagnot, Chris Ross, Arwind Santos, Christian Standhardinger at Marcio Lassiter.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy