Una sa Balita

Defending champ Cariño handa na sa 2019 Le Tour

0 267

GAANO man katindi ang mga kalahok sa 10th-year celebration ng Le Tour de Filipinas, naka­handa si defending­ champion El Joshua Cariño para makipagtagisan ng galing sa padya­kan sa simula ng karera Biyernes sa Tagaytay City.

Bibitbitin ni Cari­no ang Bandera ng Pi­li­pinas sa five-stage Category?2.2?event cyc ling marathon na inorganina ng Ube Media, Inc.

“Mas matitindi ang mga kalaban ngayon pero kondisyon naman ako at kaya natin suma­bay sa mga foreign cyc­list,” saad ni 26-year-old Carino kahapon sa naganap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Isa sa mga mahirap na padyakan ang Stage 2 na may distansyang 194.9 km mula Pagbilao, Quezon hanggang Daet, Camarines Norte.

“Mahirap na karera ‘yung Stage 2 kaya kailangan makaungos kami sa Stage 1 para may puhunan agad kami,” ani Cariño. “Advantage namin ang Stage 1 dahil naruta na namin ‘yan.”

Makakasama ni Carino sa Philippine National Cycling team ang teammate nito sa Phl Navy-Standard Insu­rance na sina?veteran Jan Paul Morales, Ronald?Oranza,?Junrey Navarra at Jhon Mark Camingao.

Siniguro naman ni Le Tour de Filipinas Chairman Donna Lina na magiging maayos ang dadaanan ng mga siklista upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Pepedal ang mga siklista sa Stage 1 na may 129.50-km na magsisimula at magtatapos sa tagaytay City.

Simula Daet hanggang Legaspi City ang Stage Three na may distansyang 183.70 kms habang pasisibatin ang 176.00 kms Stage 4 na babaybay sa Legazpi City via Sorsogon at Gubat at babalik sa Albay capital.

Pakakawalan naman ang mga rider sa Stage Five, daaan sa Legazpi City via Donsol sa Sorsogon, ang nasabing krusyal leg ay may habang 145.80 kms. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy