Una sa Balita

Deed of sale gustong ipawalang-bisa

0 619

Dear Atty. Claire,
Hihingi lang po sana ng opinyon na kung puwede bang mapawalang-bisa ang notoryadong Deed of Sale?

Meron po akong maliit na lupa na binigay sa akin ng aking ama noon nabubuhay pa siya. Ang lupa po ay bigay rin lang sa kanya sa bisa ng proklamasyon ni dating Pa­ngulong Ferdinand E. Marcos. 

Binili po ng kapitbahay namin ang 3.0 x 6.0 (18 sqm) para daw po sa Right of Way nila at gagawing paradahan ng bibilhin nilang sasakyan.

Pumayag ang aking ama na ipagbili sa kanila ang parte ng lupa sa pamamagitan ng Deed of Sale na pirmado ko at ng aking ama at sa usapang sila ang magpapalipat at magaayos ng mga kaukulang proseso (walang kasulatan). Noong araw na nag-uusap-usap kami ay ‘di po namin alam na ang right of way pala nila ay nasa likurang bahagi ng kanilang lote at ang nabili nilang sasakyan sa ngayon ay laging nakaparada lang sa makitid na daan papasok sa a­king property.

 Ang pinaka problema ko po ngayon, ang lupang binili nila ay ako pa rin ang nagbabayad ng amilyar taon-taon at wala silang ibang pinanghahawakang dokumento kundi ang Deed of Sale lang na iyon. ‘Di po naasikaso ang pagpapalipat ng nasabing sukat ng lote sa kanilang pangalan at  maisama sa original na sukat ng lote nila.

Paano po ba ng dapat kong gawin para maibalik na lang sa akin muli ang kapirasong lupa na yon.

Lubos na gumagalang at nagpapa­salamat.
Bong

Mr. Bong,
Sa ngayon ay wala ka nang magagawa upang mabawi ang usapan tungkol sa bentahan ng kapirasong lupa ninyo dahil iyan ay matagal ng napagkasunduan.  Ang kontrata na ginawa ng boluntaryo ay siyang batas na susundin ng mga taong nagkasundo at pu­mirma sa kasunduan.

Kahit sabihin mo na may right of way na siyang iba ay hindi mo magagamit ang katwirang iyon dahil nagkaroon kayo ng bentahan. Iba ang sitwasyon kung libre ang pagpapagamit mo ng parte ng lupa po para sa kanyang right of way.

Ang maaari mo lamang gawin ay mag “demand” ka ng partition para hindi ka maobliga ng bayaran ang parte na siya na ang gumagamit. Si­ngilin mo rin ang share niya sa amil­yar kaugnay sa 18 sqm at kapag hindi siya nagbayad ay maaari mo siyang ireklamo para sa collection of sum of money na may kasama nang legal interest na 1% kada buwan.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy