Una sa Balita

Dedo sa China coronavirus 4 na

0 229

INIIMBESTIGAHAN na ng senior health official ang isang outbreak ng pneumonia sa China na nag-ugat sa bagong coronavirus.

Kinumpirma ng mga awtoridad ang ­pagkamatay ng ikaapat na biktima mula sa ­virus, ayon sa Aljazeera report.

Sinasabing naililipat sa tao sa tao ang ­disease.

Sa kabila nito, ayon kay National Health ­Commission Head Zhong Nanshan, walang ­panganib na maulit ang Severe Acute ­Respiratory Syndrome (SARS) epidemic na pumatay ng ­halos 800 katao sa iba’t ibang bansa noong 2002.
Namatay ang ika-apat na biktima noong ­Enero 19. Isa siyang 89-anyos na lalaki.

Sa kasalukuyan, kumalat ang outbreak mula sa central city ng Wuhan patungong mga ­lungsod ng Beijing at Shanghai habang mahigit 200 kaso pa ang naitala.

Apat na kaso naman nito ang nakumpirma sa South Korea, Thailand at Japan. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More