Una sa Balita

Dedmahin ang UNHRC reso

0 293

Dear Abante,
Sang-ayon ako sa mungkahi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na huwag nang pansinin o bigyan ng atensyon ang United Nations Human Rights Council resolution na naghihikayat na magsumite ang ating pamahalaan ng comprehensive report on the Philippine human rights situation na tumutukoy sa kampanya ng Pangulo hinggil sa drug war.

Kaya nga hindi matapos-tapos ang problema sa illegal drugs dito sa ating bansa dahil alam ng mga illegal drug supplier na may magpoprotekta sa kanila at ang UNHRC pa talaga.

Related Posts

‘Di ko nga tuloy maintindihan bakit kung mga kriminal ang namamatay tiyak may kakampi sila at paano naman ‘yung mga biktima? Ano kaya kung comprehensive report ng napatay at inabuso ng mga illegal drug users? ‘Di ba nilabag din ng mga ito ang karapatang pantao ng mga biktima?

Isa pa, matagal na isyu na ang pagpatay ng mga teroristang NPA sa mga inosenteng sibilyan at magamit ng mga ito ang mga walang muwang na kabataan para sa kanilang armadong pakikibaka. Maraming katibayan na ang lumabas pero wala talagang nakapag-isip mula sa UNHRC na mag-imbestiga hinggil dito. Totoo ngang baliktad ang pag-iisip ng mga matatalinong taong ito.
naturingan pa naman silang magagaling pero ‘di naman ata nagagamit ang mga ito.
Romeo E. Alcoseba
Mexico, Pampanga

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy