Una sa Balita

Dedma sa quarantine, 3 tulak tiklo sa P340K shabu

0 393

Nalambat ng Caloocan Police ang tatlong hinihinalang tulak ng droga at masabat ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 matapos ang ikinasang buy-bust operation Lunes ng hapon sa Caloocan City.

Arestado sina Jonas Cruz y Dognedon, 24-anyos; Danalyn Dabu y Lagrimas, 39, at Norby Remellete y Feolino, 39, pawang taga-Caloocan City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng District Drug Enforcement Unit, isinagawa ang buy-bust operation bandang 5:30 Lunes ng hapon sa Barangay 63, Zone 6, District ll, Caloocan matapos ang ilang araw na surveillance kaugnay sa pagtutulak ng mga suspek at makabili ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.00; P500.00 buy-bust money at tatlong cellular phones.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More