Una sa Balita

Dedma sa photo op: Vilma ‘di epal sa Batangas

0 467

Non-stop ang pag-iikot ni Congresswoman Vilma Santos-Recto sa mga evacuation center sa Lipa at Batangas City. Kinumusta namin si Cong. Vilma via text kahapon.

“Better but tired! Umikot muna sa mga evacuation center in Lipa and Batangas City.”

Hindi lang ang pagbigay ng relief goods ang ginagawa ni Ate Vi.

“Most important part is boosting their morals! Salamat sa dami ng tumutulong!!! Grabeeee! Salamat po!” text ni Ate Vi sa amin.

Sa totoo lang, pagdating sa pagtulong, hindi ang tulad ni Ate Vi ang magpasikat, magpakuha ng litrato kasama ang mga nangangailangan.

Kahit legislator ang pangunahing trabaho, namamayani pa rin ang pagiging ina niya sa mga nasasakupan, huh! (Jun Nardo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More