Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dedma sa pelikula: Paulo naka-focus sa serye ni Janine

0 83

Birthday kahapon ni Paulo Avelino at isa nga siya sa mga artsitang maituturing na suwerte pa rin kahit may pandemic.

After kasi ng “Walang Hanggang Paalam” series niya sa ABS-CBN, magiging abala na naman siya sa taping ng “Marry Me, Marry You” series nila ni Janine Gutierrez under Dreamscape Entertainment.

Actually, ngayon ang pasok ni Paulo at ng cast ng nasabing new Kapamilya series sa kanilang “bubble” at bukas naman ang first taping day nila.

Sa pagkakaalam ko, hanggang sa katapusan ng buwan ang first cycle ng lock-in taping nila. Bale ang taping lang muna ng series nila ni Janine ang pagkakaabalahan ni Paulo dahil ayaw raw munang gumawa ng pelikula ng aktor.

Actually, may pelikula naman siyang natapos bago magka-COVID, ‘yung sa kanila ni Janine, ang “Ngayon Kaya”

Piolo may pasabog sa ‘Grateful Tuesdays’

SM food to go Banner Ad

Habang nagde-deadline ako, nag-message si Chemist Pinky Tobiano sa akin para itsikang si Piolo Pascual ang guest nila sa “Grateful Tuesdays” online show nila nina Jaya ay Zephanie on Tuesday, 7:00PM.

“May pasabog kami sa Tuesday, so better watch. Minsan lang mag-guest si Piolo!” sey ni Pinky.

Hmph! Ano kayang “pasabog” ang tinutukoy ni Pinky about Piolo? Parang nakaka-excite naman.

Sa online show rin nina Pinky, Jaya at Zephanie ni-reveal ni KC Concepcion two weeks ago na nagka-depression siya during the lockdown last year.

Naging ‘dramatic’ ang revelation na ‘yon ni KC dahil ilang beses napaiyak ang panganay ni Sharon Cuneta, huh!

Mapaiyak din kaya ni Pinky si Piolo?

Well… ‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.