Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dedma sa P750 turon: Jeremy, Pia binenta Amanpulo sa mga afam

0 484

Lalong minahal si Jeremy Jauncey ng mga Filipino, dahil sa appreciation post niya sa Pilipinas, partikular sa Amanpulo, Palawan, na kung saan ay ilang linggo rin silang nagbakasyon ni Pia Wurtzbach.

Puring-puri at binibenta talaga ni Jeremy sa mga ‘foreigner’ ang Amanpulo, na ‘must’ nga raw puntahan.

“As always the Philippines over delivered.

“If you’ve never been, put it top of the list. If you live there, go explore it more. It’s one of my favourite places in the world and I cannot wait I come back soon.
“For now, thank you for the memories and above all else, my new extended family,” sabi ni Jeremy.

Siyempre, bulabog na naman ang mga netizen sa photo nina Pia, Jeremy, dahil lantad pareho ang kanilang katawan. Si Pia, as usual, nagpaulan ng boobey, at hubog ng katawan, at siyempre kagandahan.

Si Jeremy naman, dahil topless siya, katakam-takam ang mga braso, dibdib, na sabi nga, dibdiban ang laban, dahil sa laki.

“Sunset Lovers 🌅 @jeremyjauncey @amanpulo,” simpleng chika ni Pia.

Kaaliw lang ang mga netizen, dahil panay ang banggit nila ng turon. Kung bumili raw ba sila ng turon sa Amanpulo, na worth P750.

Hirit ni emorejero, “Bumili po ba kayo ng turon jan. balita ko 750 po isa?

Chika ni Ruby S., “Nagoyo rin ba kayo ng mamahaling turon?”

Sabi naman ni Tess, “Mga mayayaman lang puwedeng pumunta riyan.”

Saad ni Jimboy, “Sus, dito na lang kayo sa amin sa San Mateo kumain, P5 lang ang turon!”

Kaloka, naging national issue pa ang turon, at kahit ang mga walang kinalaman sa gintong turon, tulad nina Pia, Jeremy, nadadamay.

Pero sa tingin ko, dahil banta-bantay naman ng marami ang mga post ng dalawa, hindi sila bumili ng turon, at wala nga silang nai-post na ganun. Hahahaha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.