Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dedma sa Omicron: KathNiel rumampa, naglambingan sa resto

0 261

Kahit sabi-sabing airborne raw ang Omicron variant, o hindi talaga ligtas ang lumabas, magpunta sa mga public establishment, dedma sina Kathryn Benardo at Daniel Padilla.

Masyado na nga silang nanabik sa isa’t isa, kaya hindi nila pinalampas ang pagkakataon.

Bagamat nakakikilig sa mga fan, marami rin ang nawindang sa pag-date ng KathNiel sa isang Japanese restaurant.

“My favorite day with my favorite person at our favorite restaurant! Sundate well spent!! My heart (and tummy) is full,” sabi ni Kathryn sa mga photo nila ni Daniel.

Well, masaya nga ang dalawa at nag-wacky pa sila sa mga photo. At ang daming kinilig noong nilagyan ni Daniel ng sushi ang plato ni Kathryn.

Glorai ayaw makasama si Alex

Tinanggihan ni Gloria Diaz si Alex Gonzaga nang magprisinta ang huli na sa bahay ng una siya matutulog para may kasama ito.

Mapapanood si Gloria sa YouTube ni Alex, ang “Sunday With my Cuz? House Tour with Tita Gloria”.

Na sa simula ay makikitang ayaw ng unang Miss Universe ng Pilipinas na makasama si Alex. Nasabi kasi ni Gloria kay Alex na mag-isa na lang siya sa bahay.

May kanya-kanyang pamilya na nga ang mga anak niyang sina Isabelle at Ava.

“One day they live na lang there. It’s so sad,” sabi ni Gloria.

Singit ni Alex, “Tita gusto mo dito na lang ako matulog?”

Natawa si Gloria sa narinig pero dinedma niya ito.

Eh, sinundog pa ni Alex ang chika na, “Tita hindi mo sinagot ‘yung tanong ko, kung gusto mo kong matulog dito?”

“Hindi naman masyado,” sabi ni Gloria sabay tawa.

Bianca, Sherwin buking na magka-live in

Natunaw sa hiya si Bianca Manalo matapos malaman na nakikita pala siya sa screen habang naka-live forum sa Senate ang live-in partner niyang si Sen. Sherwin Gatchalian.

Pinoste ni Bianca ang screenshot ng coverage ng CNN sa forum at sa solo frame kay Sherwin. Binilugan ng aktres ang sarili sa photo, kung saan nakasilip ito sa likuran ng senador.

“Hay Bianca, oo. Ano ka rin minsan e haha bloopers tuloy ako sa Senate Forum last night live on TV hahahaha @stgatchalian74. Na-kalive kasi ako eh! Ang tagal ko pa na-realize, ‘teka, ako ba yun? Shucks ako nga!” sabi ni Bianca.

Nasa video post ni Bianca na nagtitili ito nang malamang nahagip siya sa forum ng kasintahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.