Una sa Balita

Dedma sa coronavirus: Jessy, Arci tuloy sa paglalamyerda, pagpapaseksi

0 444

Dedma sa Novel Coronavirus sina Jessy Mendiola at Arci Munoz. Mas bet nilang ituloy ang buhay nila ng puno ng kaligayahan, kesa mabuhay na puno ng takot.

Kaya naman, kung ang ibang tao ay nangangamba sa kanilang kalusugan, na nagpa-panic na sa paghahanap ng face mask, hayun nga sina Jessy at Arci, na nag-i-enjoy sa pagliliwaliw, partikular na sa dagat.

Sa last Instagram post ni Jessy ay nasa Koror, Palau nga siya, at abala sa pagsisid, o pagda-dive. Ang bongga na ni Jessy, na mula nu’ng natutunan nila ni Luis Manzano ang pagliliwaliw sa ilalim mismo ng dagat, ‘yun na ang madalas nilang ginagawa.

Sabi nga, sa tuwing nakakasilip sina Jessy at Luis ng libreng oras, agad silang nagpupunta sa dagat, at nakikipaglaro sa iba’t ibang nilalang sa tubig.

Umabot na sa 73,524 ang nag-like sa IG post na ‘yon ni Jessy, na kung saan ay asul na asul ang paligid niya, mula sa bra top, hanggang sa iba pang gamit.

Siyempre, ang IG post na ‘yon ni Jess ang ginawang body goals ng mga kapwa niya artista, tulad nina Vina Morales, Maika Rivera, at marami pang iba. Ganun din ang mga fan na hangang-hanga at tulaley talaga sa kanyang kasek­sihan.

Si Arci naman, bagama’t slight balot ang katawan, dahil nakabalabal sa kanya ang kulay puting tela, mababasa mo pa rin ang matinding paghanga sa kanya ng mga kaibigan niyang artista, kesehodang ang balikat lang niya ang nakalabas, habang nakaupo siya sa super puting buhanginan.

At kahit si Jessy ay humanga sa kagandahan na ‘yon ni Arci, ha! At siyempre, pati si Rufa Mae ay manghang-mangha sa ka-fresh-an ng itsura ni Arci.

Umabot na sa 52,031 ang nag-like sa sexy photo na ‘yon ni Arci. Mas lamang sa kanya si Jessy kung like ang pag-uusapan.

Pero, dahil hindi naman naka-limit ang mga komento sa IG ni Arci, kaya mas marami naman itong hinamig na paghanga, na umabot nga sa 151, kumpara kay Jessy na 7 lang talaga.

Well, basta ako, bet ko ang pagiging palaban nina Jessy at Arci, na kahit ano pang pintas ang sabihin sa kanila ng mga taong naiinis, naiinggit sa kanila, idinadaan lang nila sa tawa, at pagpapaseksi ang reaksiyon nila.

Ai-Ai nairita sa mga dugyot sa banko

Nairita, at sinita ni Ai-Ai delas Alas ang mga dugyot, o baboy na mga tao, sa pinuntahan niyang ATM machine. Makikita nga sa video ni Ai-Ai ang sangkatutak na nakakalat na papel, na kahit may basurahan naman, tila mas ginusto talaga ng mga tao na ‘yon na itapon sa sahig ang mga papel, o resibo.

“Minsan maging disiplinado din tayo sa buhay naten.. ang kalat sa atm ano bayan.. may basurahan naman sus.. noong araw bata pako noon panahon ni Marcos… may slogan na ‘sa ikauunlad ng bayan disiplina ang kailangan’.

Siguro nakikita na niya mga sakit ng Pinoy kaya may ganung slogan na dapat sinusunod naten hanggang ngayun. #tigilannaangpagigingdugyot #linisinangbuhay,” sabi ni Ai-Ai.

Oo nga naman, simpleng­ pagtatapon lang ng basura sa mismong basu­rahan, hindi pa magawa, to think na nasa harap na ‘yon, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More