Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dec 6 larga balik-eskuwela sa NCR

0 132

Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang 28 public school sa National Capital Region (NCR) na maging bahagi ng pilot run ng limited face-to-face classes na sisimulan sa Lunes, December 6.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, naging matagumpay ang unang linggo ng face-to-face classes na sinimulan sa mga probinsya at ngayong nasa alert level 2 na ang NCR ay maaari na ring umpisahan ang balik-eskuwela sa rehiyon subalit sa mga piling paaralan lamang at dapat aprubado ng Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases).

Kabilang sa 28 public school na lalahok sa face-to-face classes ay matatagpuan sa lahat ng lungsod sa Metro Manila. Hindi binanggit ang Pateros na nag-iisang munisipalidad sa NCR.

Umaasa ang DepEd na magiging matagumpay ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan upang manumbalik ang sigla ng kabataan at masanay na sa new normal ng pagtuturo. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.