Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dec. 5 ang lipad sa Israel: Marian nag-pictorial na sa Miss Universe

0 1,014

Sabi, sa December 5 daw ang alis ni Marian Rivera pa-Israel kung saan magdya-judge ang Kapuso actress-host sa Miss Universe 2021 beauty pageant.

Bukas (December 1) daw ang official announcement tungkol doon at nakapag-pictorial na si Marian para sa press release na ilalabas tungkol sa pagkakasali niya sa prestigious beauty pageant.

So, hintayin na lang natin ang official announcement bukas tungkol doon.

Solenn, Nico sa Paris magpa-Pasko, Bagong Taon

‘Katuwa lang na while walking around Eastwood noong Thursday ay nakita ko si Solenn Heussaff na nagte-taping ng ‘Taste Buddies’ sa isang restaurant doon.

Nakita ako ni Solenn, kaya nagkawayan kami.

Nakita rin ako ng mga taga-production, kaya kawayan din left and right.

Pero hanggang ganoon na nga lang ang puwede dahil sa tinatawag na ‘new normal’ sa mga taping.

Kung noon ‘yon, tiyak na papasok ako sa location nila at makikipagtsikahan kay Solenn at sa mga taong nandoon na kilala ko.

Pero hindi na nga puwede ang ganoon ngayon kahit pa nga kalalabas lang ng RT-PCR swab test ko.

Anyway, feeling ko, advance episodes na ang tine-tape ni Solenn for ‘Taste Buddies’ ng GTV (sister channel ng GMA-7) dahil aalis nga siya pa-Paris, France.

Malamang, this week na ang alis niya at sa tingin ko, magkikita sila roon ng brother niyang si Erwan Heussaff na kasama naman ang misis na si Anne Curtis at anak ng mga ito na si Dahlia Amelie.

Eh, kasama rin ni Solenn ang mister na si Nico Bolzico at anak na si Thylane Katana, kaya masaya ‘yon.

Chika ng isang tinanong ko, after New Year na ang balik dito sa Philippines ni Solenn at ng kanyang pamilya.

Teka! Ma-sight ko kaya sila sa Paris, France dahil papunta rin ako roon para mag-interbyu naman for my ‘Anything Goes’ online show sa Abante News Online?

Wow, sana!

Leave A Reply

Your email address will not be published.