Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Debutante ang peg: Anne super fresh, mukhang virgin

0 85

Ang daming namalik-mata sa bagong photo ni Anne Curtis sa Instagram, na kung saan ay all white (bra top and short shorts) ang suot niya. May katabing cute dog si Anne sa photo, at ang ganda lang ng smile niya.

Actually, promo `yon ni Anne para sa bagong product na ini-endorse niya, na isang serum.

At sa naturang photo, sa totoo lang, parang binalik nga raw ang itsura ni Anne noong 18 years old siya. Sa edad ni Anne ngayon, para siyang lumangoy sa fountain of youth, ha!

Ang fresh, ang sexy, ang bagets ng itsura niya. Na kahit ang mga kapwa artista niya, nagsasabing super bata ni Anne ngayon, na hindi halatang nag-asawa ay may baby na ito.

Parang virgin nga raw ang dating ni Anne, na never been kiss, never been touch, ha! Kaloka!

“Oh, ang living Angel!” sabi ni Maxene Magalona.

“Fresh!” sabi ni Cheska Kramer.

“Wow, parang Anne na 16 years old oh!” say ni Alma.

“Yung tumanda na ang mga kaedad ni Anne, pero siya still fresh pa rin at mukhang dalaga!” hirit ni Norby.

“Kahit walang serum, fresh pa rin siya, sexy pa rin siya, batang-bata pa rin siya!” sabi ni Cathy.

“Anne, nag-asawa ka na, nanganak ka na, bakit ganiyan pa rin ang itsura mo? Sobrang unfair naman sa amin ‘yan!” chika ni Beshine.

“As an 18 year old dyosa ka, ha! Grabe! Dyosa pa rin!” sabi ni Louis.

“Fresh and glowing!”

Well, sa true naman talaga, sobrang sexy, sobrang fresh, sobrang ganda ni Anne. Ramdam mo ang kaligayahan niya sa buhay niya ngayon, kaya siguro hindi pa niya naiisip ang bumalik sa trabaho. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.