Una sa Balita

Debut ni Bianca tribute sa namatay na magulang

By
0 2,935

Sa darating na debut party ni Bianca Uma­li, naghanda siya ng isang tribute para sa mga yumao niyang magulang. Bata pa lang nang mawala ang mommy at daddy niya kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Pero hindi sila nawala sa puso ng Kapuso star.

Ayon kay Bianca, halos tapos na ang preparations para sa kanyang debut at ang pinaka-espesyal dito ay ang handog niya para sa kanyang parents.

Masaya si Bianca dahil bukod sa nalalapit niyang birthday, patuloy pa rin ang mga manonood sa pagtutok sa Kambal, Karibal.

Kaya nagpapasalamat siya sa mga walang sawang nanonood sa kuwento nila. Inaasahang may ­espesyal na partisipasyon si Miguel Tanfelix sa ­kanyang party.

I-Bilib taon-taong humahakot ng mga award

Malaki ang pasasalamat ni Chris Tiu sa loyal Kapuso viewers sa patuloy na pagtangkilik sa I-Bilib dahil ito pa rin ang mas tinututukang infotainment show sa bansa!

“Nagpapasalamat ako sa mga I-Bilibers na hindi nagsawang sumuporta sa programa. We’ll do our best to keep on creating very interesting and informative content for them para magamit nila sa school, and so that
they can find learning fun,” sabi ni Chris.

Bukod sa pagiging top-rating ng I-Bilib, isa rin ito sa mga programa ng GMA 7 na taon-taong humahakot ng parangal sa iba’t ibang award-giving body.

Bukol ni Kristoffer Martin nagpatakam sa mga netizen

Ngayon ay mapapanood na sa GMA ang ‘Fight For My Way’, ang Korean drama na may tema ng pag-ibig pero nakasentro sa mga pangarap sa buhay. Bibida rito ang Pretty Woman lead star na si Park Seo Joon at
si Kim Ji Won ng Descendants of the Sun. Sila ang mag-best friend na magkasangga sa lahat at handang ipagtanggol ang isa’t isa sa mga mapanglait at matapobreng tao sa paligid nila.

Subaybayan kung paano sila made-develop sa isa’t isa na mas pakikiligin naman ni Kristoffer Martin dahil siya ang kakanta ng theme song nito! Ang bagong single niyang ­‘Paulit-ulit’ ang nakuhang official theme song ng Fight For My Way na angkop sa good vibes na hatid ng kuwento nito.

And speaking of Kristoffer, marami nga ang naglaway sa mga litrato niyang pinost sa social media, ha! Putok na putok ang braso, labas ang abs, at may pabukol pa ang guwapong batang aktor, ha!