Una sa Balita

Debt-free na ang Taguig City

0 611

Winakasan na ng Taguig City go­vernment ang pagkakabaon sa utang ng nakaraang administrasyon matapos bayaran ang mahigit P1.6 bilyon bago pa man matapos ang taong 2018.

Dahil dito ay pumasok ang bagong taon ng 2019 na wala nang nalala­bing utang ang lokal na pamahalaan ng Taguig.

Sa kabuuan ang iniwang utang ng nakaraang administrasyon ay P1,226,609,848, idagdag pa ang P388,859,293 na  interes na buo nang nabayaran ng administrasyon ni Taguig City Mayor Lani Cayetano noong Dis­yembre 7, 2018, sabi ni Atty. Voltaire Enriquez, officer in charge ng City Treasury Office.

“We pre-terminated all our loans with LandBank because, by the end of 2018, Mayor Lani wanted that the next administration would not have to suffer the same fate she suffered when she took on the administration in 2010,” wika pa ni Enriquez.

Dagdag pa ni Enriquez, upang mabayaran lahat ng utang ng Taguig, kinailangan ng Cayetano administration na magtabi ng pondo para sa utang.
Sini­mulan ito noong 2011 kung saan aabot sa P220 milyon ng P3,745,000,000 ng total budget na nakalaan sa Taguig ay napunta sa pagbayad ng utang.

Sa pinupuntiryang debt-free status, iniwasan ng city government ang mga luho at sobrang paggastos upang masiguro na mapupunta ang mga nilaan na pondo sa tamang paraan, saad pa ni Enriquez.

“Take this example from the previous administration: Imported mobile garbage bins that cost a debt of over P100 million. We did not engage in those things,” wika pa ng opisyal.

Sa kabila ng mga paraan para maka­bayad ng utang, hindi naman tinipid ng Cayetano administration ang pagbibigay ng mahusay at mabisang serbisyo para sa mga Taguigeño. Bukod pa nga rito ay patuloy na nabigyan prayoridad ang mga pangangailangan ng Taguig, kagaya ng health, education at social services.

Ang lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamamahala sa budget ng lungsod at maayos at tapat na tax collection ng siyudad, na ikinatuwa naman ng mga negosyante at namumuhunan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy