Una sa Balita

Debate kay Calida, tinanggap ni Colmenares

By
0 5

Kumasa si dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Javier Colmenares sa hamon na debate ni Solicitor General Jose Calida kaugnay sa idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Anytime, anywhere,” ito ang tugon ni Colmenares sa hamon ni Calida matapos ikatwiran ng opisyal na kasama ang National Democratic Front (NDF) at New People’s Army (NPA) sa mga dahilan kung bakit nagdeklara ang pangulo ng batas militar.

Bilang abogado ng gobyerno, si Calida ang nagtatanggol sa Martial Law sa oral argument sa Korte Suprema matapos kuwestiyonin ng ilang grupo ang Proclamation 216 na nagsuspinde rin sa writ of habeas corpus sa buong rehiyon ng Mindanao.

“The inclusion of alleged acts of the NDF and NPA in their comment to justify martial law in the entire Mindanao is an afterthought invented after they found it difficult to justify martial law in the entire Mindanao,” ani Colmenares.

Iginiit ni Colmenares na katunayan, mismong si Pangulong Duterte ang humingi ng tulong sa NPA at sa Moro Islamic Liberation Front (MLF) para lansagin ang Maute group.

“So how can the NPA be a cause and therefore a target of martial law?” banat ni Colmenares kay Calida.

Kung babasahin din aniya ang Proclamation 216 ni Duterte, hindi nabanggit ang NPA, MILF at maging ang Bangsamoro Ismalic Freedom Fighters (BIFF) sa dahilan ng martial law.