Una sa Balita

Death penalty wa epek kay Sanchez

0 463

KAHIT may death penalty noong panahon na dinukot, ginahasa at pinatay ang UP student na si Eileen Sarmenta, hindi pa rin ito magiging hadlang para gawin ni dating Calauan, Mayor Antonio Sanchez ang krimen, ayon kay Senador Franklin Drilon.

Ito ang pananaw ni Drilon matapos uminit ang usapin sa pagbabalik ng parusang kamatayan at isangkalan ang kasong kinasangkutan ni Sanchez sa paggahasa at pagpatay kay Sarmenta noong Hunyo 1993 kung saan nadamay pa ang boyfriend nitong si Allan Gomez.

“Are they telling me that if there was death penalty, Sanchez would not have committed the crime? I saw him face to face and there’s nothing that can support that conclusion. As the judge said, this is a plot hatched in hell,” paliwanag ni Drilon na kalihim ng Department of Justice noong nilitis ang kaso ni Sanchez.

“May death penalty man o wala, gagawin nya yung krimen,” diin ng senador.
Iba naman ang pananaw ni Senador Leila De Lima sa pagbuhay ng usapin sa pagbabalik ng parusang kamatayan gamit ang kasong kinasangkutan ni Sanchez.
“Mukhang sinasabotahe nila yung batas para isulong nila ang death penalty. Ginalit na naman nila ang mga tao para mas katanggap-tanggap ang death penalty. Devious minds!” diin ni De Lima na naging kalihim din ng DOJ bago maging senador.

“Huwag dapat sisihin yung batas. Maayos ang layunin ng R.A. 10592. Pero, dahil sa kapalpakan ng ilang opisyal, sinadya man o hindi, pilit nilang binabaluktot ang tunay na diwa ng batas na yan. Pinipilit na naman nila ang death penalty.” dagdag ng senador.

Kasabay nito, nais namang paimbestigahan ni Senador Drilon­ ang mga opisyal ng Bureau of Corrections, sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Nicanor Fael­don, kung bakit sinabi nila noong una na maaari nang makalaya si Sanchez sa isinagawang recomputation ng kanyang jail term alinsunod sa Republic Act 10592.

“Yung BuCor officials. Tanu­ngin natin kung bakit nila sinabi na pwedeng mapalaya si Sanchez sa ilalim ng GCTA (Good Conduct Time Allowance). At kung may kailangang pagbabago sa batas, gawin natin. We are not saying na perfect ang batas. Rebyuhin natin ang implementasyon. Kung nagkulang sila, bakit? Mayroon bang maling ginawa o may katiwalian sa recording?”­ giit ni Drilon.

Ang dalawang beses na pagpupuslit ng iligal na droga, at pagkakaroon ng aircon at telebisyon sa kanyang selda ang ilan sa mga basehan para hindi makuwalipika si Sanchez sa good conduct sa kulungan.

Noong Miyerkoles lamang kung saan ipinakita ni Faeldon si Sanchez sa media, kita agad ang paglabag ng dating alkalde dahil nakasuot ito ng itim na sapatos, naka-relo at sunglasses.

“Nakita mo ba yung picture ni Sanchez, naka-jeans, naka-polo shirt, nakarelos, naka balat na sapatos. Iyan po sa regulasyon ng Muntinlupa, dapat po prison uniform at ang hindi pagsuot ng prison uniform ay isang paglabag sa patakaran to disqualify him from GCTA. Kaya po kwinestiyon ko iyan ay bakit nagkaroon ng time allo­wance si Sanchez. Hindi po ako sang-ayon diyan kaya nilabanan ko. Kahapon sinabi ng Malakanyang na hindi sila sang-ayon na palayain si Sanchez.” saad ni Drilon sa interview ng DWIZ nitong Sabado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy