Una sa Balita

Death Penalty Bill, pahihirapan sa Senado

By
0 1

Kung sa Kamara naging mabilis ang bulusok ng pagpasa sa House Bill 4727 o Death Penalty Bill, posibleng maiba umano ang trend sa Senado dahil siguradong pahihirapan ng mga Liberal Party (LP) senators ang paglusot nito.

Ito ang mabilis na arangkada ng reaksyon ni Senador Kiko Pangilinan matapos ang pagsemento ng Mababang Kapulungan sa panukalang ibalik ang parusang bitay.

Ayon kay Pangilinan, sisiguruhin umano nilang mananaig sa Senado ang ‘conscience vote’ na hindi binigyang-pansin ng Kamara.

Sinabi ng senador na inasahan na nila na magiging smooth ang arangkada ng HB4727 sa Mababang Kapulungan dahil sa pwersa ng ‘super majority’.

Muling nagpahaging si Pangilinan na sa kanyang personal na pananaw, hindi akma ang pagbabalik ng parusang bitay dahil wala namang pruweba na kayang limitahan o tapyasan ang crime rate kahit may umiiral na capital punishment o hatol na bitay.