Una sa Balita

DEAR GOVERNMENT: FCM sa Fairview: Forever traffic

0 7

Dear Government,

Araw-araw na ginawa ng Diyos e hindi na lumuwag ang trapik sa FCM (Fairview Center Mall). Meron namang traffic light. May mga enforcers pa. Pero hindi nila masolusyunan ‘yung haba ng trapik diyan.

Nakakakunsumi ‘yung mahigit 30 minutos, minsan nga ay oras pa, na tagal ng biyahe ng FX at bus d’yan bago makatawid ng mismong stoplight dun sa kanto ng mall pa-Litex.

Nilagyan na din ng footbridge kelan lang pero waley pa rin. Ang sikip ng trapik talaga! Walang pinipiling oras at araw.

Kay Mayor Bistek po ba ‘yan dapat i-memorandum. Sabi ‘di ba, Boss kami. Hindi happy ang mga Boss ni Mayor lalo na kaming mga taga-Lagro na d’yan talaga ang daan araw-araw!

Miss Inis of Lagro, QC

SA WAKAS!  Salamat  sa MRT  escalator

Dear Government,

Sa wakas po ay nagawa na ang escalator sa MRT-Quezon Ave. station.

Naku, hindi n’yo lang alam ga’no dusa ng mga sumasakay sa MRT nung ilang taong sira ‘yan.

Kung kami nga pong mga me kalakasan pa at walang diperensya e hingal-kabayo sa pag-akyat, lalo na ‘yung mga me edad at ‘yung me diperensya.

Nakakaawa po lalo ‘yung mga bulag. Palagi po silang nagpapa-asiste sa pag-akyat. Tapos ‘yung matatanda, maraming hindi na tumutuloy dahil wala pa sa kalagitnaan talagang hingal na sila.

Talaga pong mapakalaking tulong ng mga escalators at elevators ng MRT. Sana ay isunod na ayusin ang mga elevator. Saka sana, permanente nang gumagana ang escalator. Madalas kasi, gawa ngayon sira bukas e.

Salamat! Excited na rin kami sa mga bagong bagon. Kelan po ba talaga ‘yun?

Mrs. Estrella delos Santos
West Triangle, QC