Una sa Balita

Deal kay Digong sinira ni Alan, pinagpag si Martin

0 577

HINDI pa rin nakakaupo bilang House Speaker, mistulang sinira na Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Caye­tano ang kasunduan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng Speakership makaraang lumutang ang plano nitong alisin ang posisyon ng Majo­rity Leader.

Sa isang pagpulong ng ruling Partido Demokratiko Pililipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Taguig City noong Huwebes, inanunsyo ni Caye­tano na itatalaga niya si Mandalu­yong Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II bilang Deputy Speaker na in-charge sa internal affairs ng Kamara — na nakasanayang hinahawakan ng House Majority Floor Leader na una nang sinabing ibibigay kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

“A Deputy Speaker for Internal Affairs, si Cong. Boyet, so that ‘yung mga tingin ni Martin na kailangan hindi na ako ang mag-approve, dine­dicate ko na kay Boyet,” sabi ni Caye­tano.

“(‘Yung) mga tingin ni Martin na kailangan ako mismo, we’re a phone call away, so I hope this is the more, so if its work, then we have given more authority to more congressmen, and it might stand a good system,” dagdag nito.

Nagbabala si political analyst Prof. Dennis Coronacion na sa hakbang na ito ni Cayetano ay posibleng madoble ang trabaho ng majority leader bukod pa sa sinira nito ang naunang kasunduan kay Pangulong Duterte na nagluklok sa kanya sa puwesto sa ilalim ng term-sharing kay Romualdez.

“It also puts doubt on Cong. Caye­tano’s sincerity to abide with the agreement,” said Coronacion.

Sinabi pa ni Coronacion, chairman of the University of Santo Tomas Political Science Department na obvious na gusto lang ni Cayetano na masiguro ang malalapit sa kanya ang kanyang makakatrabaho lalo na’t lumutang ang bantang kudeta laban sa kanyang liderato.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy