Una sa Balita

De Luna sampa sa Round-of-16 ng US Open

0 193

UMUSAD sa round-of-16 sina Doha Asian Games silver medalist Jeffrey ‘Jeff’ De Luna at Jeffrey Ignacio sa 43rd US Open 9-Ball Championship na ginaganap sa Mandalay Bay Resort and Casino Convention Center sa Las Vegas kahapon.

Ipinagpag ni De Luna si Liu Hai Tao ng China 11-5 para iposte ang fifth straight victory sa event na nakalaan ang $50,000 premyo sa magkakampeon na nilahukan ng 256 pool masters.

“Sana po magtuloy-tuloy itong panalo ko,” hayag ni De Luna na nasa winner’s bracket tumutumbok.

Sa panig ni Ignacio, kinailangan muna niyang talunin ang kababayang si James Aranas 11-8 at Dennis Hatch ng United States 11-5 sa loser’s side para makapasok din sa Sweet 16.

Nagpakitang-gilas din si Alex ‘The Lion’ Pagulayan, umentra din siya sa Final 16 matapos gibain si Ko Ping-Chung ng Chinese-Taipei 11-7 sa winner’s side.

Samantala, hindi pinalad ang ibang Pinoy cue artists na makapasok sa susunod na round, ito’y sina Francisco ‘Django’ Bustamante, Dennis Orcollo, Carlo Biado, Johann Chua, Raymond Faraon, Marlon Manalo, Roberto Gomez at Warren Kiamco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy