Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

De Luna hari sa Florida

0 110

Ilang araw pa lang nang pagharian ang Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2, agad dinagdag ni Jeffrey ‘Jeff’ De Luna ng isa pang korona sa pamamamayagpag sa The katatapos na Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida.

Undefeated sa isang araw na torneo na sinalihan ng 128 cue artists noong March 1 ang 37 taong-gulang na Pinoy cue artist na kilala ring ‘The Bull’ upang itala ang ikalawang sunod na tagumpay sa Estados Unidos sa taong ito sa pamumuno sa 1-2-3 pagsakop ng mga Pinoy.

Umahon naman si Warren Kiamco mula sa loser’s bracket sa pagyukod kay De Luna sa eliminations bago muling nabigo sa finals laban pa rin sa former national teammate sa ialim ng Billiard Sports Confederation of the Philippines (BSCP).

Tumapos si Kiamco sa ikalawa habang ikatlo si Zoren James Aranas at ikaapat si Robb Saez ng USA. Ikalima si Roberto Gomez. Ika-13 lang si dating world No. 1 Dennis Orcollo. (Angelito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.