Una sa Balita

De Lima sumagot na sa ethics complaint

By
0 2

Sinagot na ni Sen. Leila de Lima ang ethics complaint na isinampa laban sa kanya.

Kung kaya’t inaasahang gugulong na nga­yong linggo ang ethics complaint na isinampa laban sa senadora na may kinalaman sa pag-utos nito sa dati niyang driver at karelasyon na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara sa Bilibid drug trade.

Ayon kay Senate majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, chairman ng komite, natanggap na ng kanyang tanggapan ang sagot ni De Lima sa reklamo kamakalawa.

“Pag-uusapan namin ngayong linggo para desisyunan kung magko-conduct kami ng committee hearing o desisyunan na lamang base sa sagot niya,” ayon kay Sotto.

Hindi na dinetalye ng senador kung ano ang laman ng sagot ni De Lima dahil masusi pa umano niya itong binabasa.