Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

De Lima sasabak uli sa 2022

0 21

Inanunsiyo kahapon ni Senadora Leila de Lima na tatakbo siyang muli sa ikalawa niyang termino sa Senado sa 2022.

Aniya, hindi umano siya natitinag sa panggigipit ng Duterte administration at sa halip ay lalo pa umanong nagliyab ang kanyang pagnanasa na maglingkod sa Senado.

“Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban,” wika ng mambabatas, na naka-detain simula pa noong 2017 dahil sa ugnayan umano niya sa iligal na droga.

Ilang beses nang itinanggi ni De Lima ang mga paratang sa kanya, na para sa kanya’y dulot lamang ng pagpuna niya sa administrasyon kaya siya ginigipit.

Sinuportahan naman ng kapartidong si Senador Franklin Drilon ang muling pagtakbo ni De Lima. (Mark Joven Delantar/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.