Una sa Balita

De Lima sa SC: Huwag paimpluwensiya sa protesta ni Marcos

0 525

HINDI umano dapat i-delay pa ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagpapalabas ng desisyon sa electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice Presidente Leni Robredo.

Ito ang sinabi kahapon ni Senador ­Leila De Lima bukod sa umaasang hindi maiimpluwensiyahan ang ­Korte Suprema sa desisiyon sa naturang protesta.

“It is no secret that Duterte is averse to a Robredo succession in case anything happens to him,” pahayag ni De Lima sa isang statement kahapon.

“I am hoping against hope that the predisposition of the ­appointing power does not ­influence or affect the decision-making of the justices, on an otherwise ­simple case of correctly ­applying grade school math,” dagdag nito.

Noong 2016 vice presidential ­election, tinalo ni ­Robredo si ­Marcos na isang ­kaalyado ni ­Pangulong Rodrigo Duterte. ­(Dindo Ma­tining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More