Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

De Lima sa madla: Tandaan ang mga tuta sa gobyerno

0 462

Hinimok ni Senadora Leila de Lima ang publiko na tandaan ang 70 kongresista na bumoto pabor sa pagbasura ng franchise renewal bid ng ABS-CBN.

“Tandaan sila. Mga tuta. Mga accomplices at enablers. Spineless sycophants. ‘Yung mga tahimik at tumatahimik lamang. Tandaan ang mga ginawa nila at hindi ginawa,” pahayag ni De Lima sa isang statement.

“Huwag na huwag natin kalilimutan mga kasalanan nila. Let the reckoning begin NOW,” dagdag pa nito.

Ayon sa senadora, basta’t may mga mambabatas na magpapagamit lalaki umano ang sungay ng mga taga-Malacanang.

“Ang pagbalahura, slut-shaming at pagpakulong kay De Lima. Ang pagpatalsik kay Sereno. Ang guilty verdict kay Maria Ressa. Ang pagpasa ng Anti-Terror Law. At ngayon naman, ang pagbasura sa ABS-CBN franchise renewal,” sabi ni De Lima.

“Hangga’t may mga mambabatas tayong nagpapagamit, Korte Supremang sunud-sunuran lamang, militar na nagbubulag-bulagan at business community na walang pakialam, lalong lalaki ang ulo at sungay ng dyablo sa Malacañang at lalong lulubog ang bansa natin,” wika pa nito. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.