Una sa Balita

De Lima pinapasibak si Sandra Cam

Namakyaw ng resort sa Masbate:

By
0 592

HINILING ni Senador Leila de Lima kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sipain si Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam matapos itong ireklamo sa Ombudsman hinggil sa umano’y mga tagong-yaman.

Ayon kay De Lima, marapat lamang na paimbestigahan din ni Pangulong Duterte ang reklamo laban kay Cam bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra korapsyon.

Nagbabala pa ang senadora sa Pangulo na mag-ingat kay Cam ­dahil baka bumuwelta ito sa kanya.

“Watch out Mr. Pre­sident, baka ikaw rin ang i-blackmail niya,” ­babala ng mambabatas, na naging kalihim din ng Department of ­Justice (DOJ).

Isang Lino Espinosa Lim Jr. ang naghain ng reklamo sa Ombudsman noong Biyernes, Marso 22, laban kay Cam dahil sa mga hidden properties nito sa Masbate na nakapangalan sa kanyang kapatid at anak.

Isa umano dito ang Zandra’s Beach Resort and Convention Center sa San Fernando, Masbate na nagkakahalaga umano ng P100 million at binuksan noong Mayo 2018.

Si Cam ay tinalaga ni Pangulong Duterte sa PCSO noong Disyembre 2017 at agad nitong binuking ang maluhong Christmas party ng tanggapan na nauwi sa im­bestigasyon ng Senado.

Nagbitiw naman si PCSO General Mana­ger Alexander Balutan ­kamakailan.

Sinikap ng Abante na hingan ng pahayag si Cam subalit hindi ito makontak kahapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More