Una sa Balita

De Lima papatungan pa ng kaso

By
0 3

Pinag-aaralan ng Office of Solocitor General (OSG) ang pagsasampa ng panibagong kaso laban kay Sen. Leila de Lima na nakakulong ngayon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na natuklasan nila na may problema sa regularidad ng notaryo na nasa verification at certification against forum shopping na isinumite ni De Lima kasabay ng kanyang petisyon sa Supreme Court (SC).

Ayon sa OSG, hindi naman personal na pinanumpaan ni De Lima ang petisyon sa harap ng notary public na si Atty. Maria Cecille Tresvelles-Cabalo kaya maituturing umanong falsified at untruthful ang petisyon.

Sinabi ni Calida na posibleng falsification na isang kasong kriminal sa ilalim ng Revised Penal Code at reklamong administratibo ang ihain nila laban kay De Lima at kay Cabalo.

Giit ni Calida, niloko umano nina De Lima at Cabalo ang SC nang palitawin nila na personal na pinanumpaan ng senadora ang kanyang petisyon.