Una sa Balita

De Lima nanlilito sa ₱23B MPTC-MVP, PNR project — DOTr, DPWH

By
0 886

Inakusahan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakadetineng Senador Leila de Lima na ‘misleading’ ang kanyang pahayag na may 180,000 pamil­ya sa Metro Manila ang tatamaan sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte.

Sinabi ng dalawang ahensiya na ang bilang ng mga informal settler family na apektado ng NSCR Project ay nasa 94,132 sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at Bicol.

Ang NSCR Project ay kinabibila­ngan ng PNR Clark 1 (38-km, Tutuban-Malolos), PNR Clark 2 (51-km, Malolos-Clark), PNR Calamba (56-km, Manila-Calamba), at PNR Bicol (653-km, Manila-Matnog; Batangas).

Ayon sa DOTr at DPWH, mas­yadong malaki ang ginawang pagtaya ni De Lima sa maaapektuhan ng proyekto.

Gayundin, sinabi ng DOTr at DPWH ang pagbili ng gobyerno sa right-of-way para sa NLEX-SLEX Connector at sa NSCR ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 10752 o Right of Way Act and Republic Act 7279 o Urban and Housing Development Act.

Ang P23B proyekto ay panga­ngasiwaan ng Metro Pacific Tollways Corp. na pagmamay-ari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy