Una sa Balita

De Lima nanindigang imbento ang illegal drug trading case

By
0 713

NATULOY na kahapon nang umaga ang pagbasa ng sakdal laban kay Senador Leila de Lima sa Muntinlupa Regional ­Trial Court (MRTC).

Makailang beses nang naudlot ang pagdinig o pagbasa ng sakdal sa kaso ni Senador De Lima sala ni MRTC Judge Amelia Fabros Corpuz ng Branch 205.

Dakong alas-8:30 nang umaga nang ituloy ang pagbasa ng sakdal kay De Lima kung saan hindi ito nagpasok ng plea sa conspiracy to trade illegal drug case.

Abante Hiring – IT dep

Katuwiran ng senadora, imbento o walang katotohanan ang impormasyon ng kaso na siya ay nakipagtransaksiyon at nabigyan siya ng P3 mil­yon at apat na sasakyan­ mula sa illegal drug tra­ding sa loob ng New Bilibid Prisons sa pakiki­pagsabwatan umano kay Jose Adrian Dera.

Dahil hindi siya nagpasok ng plea, ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.

Bago ang arraignment, ibinasura ng korte ang mosyon ng kampo ni De Lima para mabasura ang amended information ng prosekusyon patungkol sa pagbabago ng kaso laban sa senadora­ mula sa dating kasong ­illegal drug trading.

Muling itinakda ang pagdinig sa Setyembre 3 nang umaga ito ay ang preliminary conference at ang pre-trial ay sa Set­yembre 28 na kahalintulad ding oras.

Bantay sarado naman sa mga awtoridad si De Lima na kung saan ineskortan ito mula sa korte hanggang sa makabalik sa kanyang piitan sa Camp Crame.