De Lima kinastigo operasyon mining sa South Cotabato

Binatikos ni Senadora Leila de Lima ang pag-alis ng provincial ban sa open-pit mining sa South Cotabato na siyang makakaapekto umano sa kalikasan at sa mga tao sa komunidad.
Hinimok naman niya si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na i-veto ang pag-amiyenda ng Provincial Board sa local environment code, partikular ang pagtanggal ng probisyon sa open-pit mining.
Noong Mayo 16, nagdesisyon ang mga mambabatas sa South Cotabato na baligtarin ang 12 taong provincial ban sa open-pit mining.
Sabi ni De Lima, maari naman baligtarin ang desisyon ng provincial board sa pamamagitan ng pag-veto dito. Kung hindi ito maaksiyunan sa loob ng 15 araw, maipapasa ito bilang isang batas. (Dindo Matining)