Una sa Balita

De Lima kasuhan n’yo na!

By ,
0 109

Upang matigil na ang trial by publicity laban kay Sen. Leila de Lima, hinamon ng isang Liberal Party (LP) congressman ang administration partikular na ang Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kaso ang senadora.

Ginawa ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat ang hamon sa DOJ at ha­yaan na aniya ang Korte na humusga kay De Lima at matigil na ang ‘trial by publicity’ na ginagawa laban sa kanya.

“If the administration is so sure that De Lima is involved in drugs and the alleged drug trade at the Bilibid, then the Executive should just file the proper charges in court. There, we have the mechanisms to make sure that her innocence is protected or her guilt proven,” ani Baguilat.

Madalas na sinasabi aniya ng gobyerno na may sapat na ebidensya laban kay De Lima kaya nararapat umanong isampa na ang kaso sa lalong madaling panahon upang magkaroon ang senadora ng pagkakataon na sumagot sa patas na paraan.

Sinabi ng kongresista na kailangang matigil na ang pamamahiya kay De Lima at mangyayari lamang kapag naisampa na ang kaso sa korte sa lalong madaling panahon.

Naniniwala naman si Dinagat Island Rep. Arlene ‘Kaka’ Bag-ao na nahihirapan ang administrasyon na pabagsakin si De Lima kaya gumagawa umano ang mga ito ng ‘fictional propaganda’ tulad ng umano’y sex video para yanigin ang senadora. Ni wala naman umanong makapagpatotoo na mayroon ngang hawak na ganitong video.

Ayon naman kay House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, tatapusin na sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa illegal drug connection sa Bilibid kung saan nakakaladkad si De Lima.

Sa Oktubre 5 na ang huling araw ng pagdinig dahil sapat na umano ang nakalap na mga testimonya para bumalangkas ng batas mula rito.

Ayon naman kay House committee on justice chairman Rep. Rey Umali, ipinatawag at inaasahang sisipot sa huling araw ang mga kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magpipresenta ng bank records at money trail ng mga sangkot sa Bilibid drug connection.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy