Una sa Balita

De Lima ilalaban ang maayos na kondisyon ng mga kakosa

0 314

HINIMOK ni Senador­ Leila de Lima ang liderato ng Senado na bigyang prayoridad ang pagpapasa ng panukala na naglalayong resolbahin ang jail congestion.

“We urge our Senate leaders and the other members of the upcoming 18th Congress to quickly address the congestion and inhumane condition of our jail facilities. If not quickly solved, it may put the health and lives of inmates, who are presumed innocent until proven guilty, in danger,” saad ni De Lima.

Ito ay kasunod ng pagpukaw ng atensyon ng Commission on Audit sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kaugnay sa hindi makataong kondisyon at matinding overpopulation sa mga kulungan.

Sa report ng COA, nasa 439.48 percent ang jail congestion rate noong 2018 na mababa sa 612 percent noong 2017.

Gayunman, iginiit ng COA na bagama’t may pagbaba ay malayo pa rin ito sa standard ng mismong BJMP at ng United Nations hinggil sa pagtrato sa mga bilanggo.

Tiniyak ng senador na muling ihahain ang kanyang mga panukalang batas para sa pagreporma sa BJMP.

Kabilang dito ang Senate Bill (SB) No. 2130 na nagsusulong ng prison reform at restorative justice sa correctional system upang mas maging epektibo ang adminis­trasyon ng justice.

Inihain din nito ang SB No. 1879 upang ma-integrate ang pamamahala sa mga kulungan sa ilalim ng iisang ahensiya para sa mas maayos na pagtrato at rehabilitation program sa lahat ng mga detainee at prisoner.

Iginiit din ni De Lima sa kanyang Senate Resolution 97 ang pagsasagawa ng hearing sa estado ng mga kulungan sa buong bansa. (Dang ­Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy