Una sa Balita

De Lima, humirit ng pamasko sa PNP

By
0 15

Hiniling ni Senador Leila de Lima sa Philippine National Police (PNP) na payagan ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan na bumisita sa kanya sa Araw ng Pasko at sa Bagong Taon.

Ang kahilingan ay idinaan ni De Lima sa sulat para kay Chief Inspector Erickson Polinag, upang ipaalam ang pagdalaw sa kanya ng kanyang mga kaanak at kaibigan sa mga naturang okasyon. 

Ito ay dahil pumatak ang Pasko at Bagong Taon sa araw ng Lunes na idineklarang ‘no visitors’ day, kaya’t kailangang magpaalam ng senador.

“Since both holidays fall on a Monday, a ‘no visitors’ day, and in the spirit of the Yuletide season, may I humbly request for exemption from the ‘no visitors’ rule for both days and accordingly allow visits from 9 a.m. to 5 p.m.,” saad ni De Lima sa kanyang sulat. 

Wala pa namang sagot ang PNP sa kahilingan ng nakakulong na mam­babatas.