Una sa Balita

De Leon sumaklolo sa mga Marikeño

0 488

UMAAPAW ang donasyon na ipinadala ni Choco Mucho Flying Titans player Isabel Beatriz ‘Bea’ de Leon para sa mga residente ng Marikina City.

Kahon-kahon na crackers ang ipinagkaloob ng Premier Volleyball League (PVL) star sa lugar para mapakain ang hindi bababa sa may 1,500 pamilya na apektado ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon sa habkang ng gobyerno na masugo ang coronavirus disease o COVIUD-19.

“Thank you to everyone from the @chocomuchoflyingtitans & @rebiscoph for making this possible.” caption ng former Queen Ateneo Lady Eagle sa kanyang Instagram account kahapon.

Dagdag pa ng 23-year-old, 5-foot-3 middle hitter, “This should help feed at least 1,500 families in Marikina.”

Pasalamat naman si Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa donasyon ng balebolista.

“MVP on and off the court. Salamat sa iyong donasyon para sa batang Marikenyo, @_beadel #KapitBisigMarikina” tweet naman ni Cong. Quimbo. (Janiel Abby Toralba)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More