Una sa Balita

De La Salle booters papalakas sa Final 4

0 177

Mga laro ngayon:
(FEU-Diliman)
9:00am — Ateneo vs UST (men’s)
1:30pm — DLSU vs NU (men’s)
3:30pm — AdU vs UE (men’s)

MAHIGPIT ang labanan sa Final Four.

Tanging ang Far Eas­tern University pa lang ang nakasisisguro na sasampa sa susunod na phase sa UAAP men’s football tournament.

Nasa fourth spot ang De La Salle tangan ang 19 points, haharapin nila ngayong ala-1:30 ng hapon sa FEU-Diliman pitch ang laglag nang National University (10 pts.).

Kapit ng University of Santo Tomas ang 17 pts. naka-puwesto sila sa fifth spot, makakalaban naman nila ang Ateneo sa alas-9 ng umaga habang magkakalusan ang Adamson University at University of the East sa no-bearing match sa alas-3:30 ng hapon.

Nakatambay naman ang defending champion University of the Philippines sa third place hawak ang 20 puntos, may dalawang laro pang natitira sa kanilang elimination round assignments. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy